Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Usec na utak ng troll farm pinatalupan kay Lacson

0 7

Nagbabala ang isang kongresista na maaaring manalo ang isang `troll president’ sa 2022 election kung mananaig ang mga troll farm na itinayo ng isang undersecretary base sa pagbubunyag ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Kaya hiniling ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate kay Lacson na isiwalat ang nalalaman nito upang matukoy kung sino ang undersecretary na nagtatayo ng dalawang troll farm bawat probinsya at kung pera ng gobyerno ang ginagastos dito.

Maituturing din umanong krimen ang layunin ng mga troll farm na ang target ay sirain ang mga kalaban ng administrasyon.

Ang sitwasyon ay iniugnay ni Zarate sa mga Facebook account na ipinasara dahil sa coordinated inauthentic behavior (CIB). Ang mga account na ito ay iniuugnay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) samantalang ang iba ay nakabase umano sa China.

Banta umano ang mga troll farm sa demokrasya at maaari itong lumikha ng pekeng panawagan para manalo ang partikular na kandidato.

“Kapag ganyan ang mangyari baka magkaroon ng presidente na iniluklok ng mga troll. We would have a troll president and we definitely do not want that,” dagdag pa ni Zarate.(Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.