Abante Tonite Interactive

Usec ng DOTr sinibak dahil super viajero

By
0 369

Alam niyo bang sinibak ang isang mataas na opisyal ng Department of Transportation pero hindi pa opisyal na ina-announce ni Sec. POKTANJU Art Tugade.

Ayon sa aking bubwit, sa Malakanyang mismo galing ang order na tagpasin ang opisyal kaya walang magawa si Sec. Tugade kundi sumunod at tumahimik.

Ang isyu sa opis­yal ay masyadong matakaw sa biyahe, mukhang nahilig masyado si sir sa pagkain sa eroplano at sa lakwatsa sa ibang bansa. Ayon sa aking bubwit, naka 16 na biyahe abroad si sir sa loob ng isang taon.

Hindi yata napansin ni sir ang executive order ni Presidente Duterte kontra sa pagbiyahe ng mga opisyal ng executive branch o baka nasa abroad sya nang ilabas yun EO.

Hindi lang biyahe ang isyu kay sir. Ayon sa aking bubwit, kay sir din isinisi ang lagpak na grado na ibinigay ng US Aviation Authority sa security ng Ninoy Aquino Int’l. Airport. Siyempre walang may gusto ng downgrade ng security rating ng airport na maraming napurnada lalo na ang mga tourist arrival.

Dahil sa mga isyu kay sir, naging mabilis at masakit ang parusa ng palasyo. Pinadalhan si sir ng notice noong Marso 7 na nagsabing ‘vacate immediately’ ang kanyang tanggapan.

Napakasakit kuya eddie ng inabot ni sir, notice na lisanin nya agad ang kanyang opisina. Aray. Kaya pagkatanggap Sec. Tugade ni sir ng notice na ‘vacate immediately’ ang kanyang tanggapan, kinabukasan, Marso 8, Biyernes, nag-impake siya agad at hinakot ang kanyang mga gamit sa opisina at nag-sayonara agad sa mga kasamahan sa DOTr.

Ang mataas na opis­yal ng DOTr na sinibak dahil super viajero ay Undersecretary na dating Colonel, si Usec. ‘A’ as in Airline.