Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Usec promotor ng troll farm pinahubaran sa Kamara

0 66

Naghain ng isang resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara upang imbestigahan ang troll farm na ikinakasa diumano sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa halalan sa 2022.

Sa House Resolution No. 1900, hiniling ng grupo sa House committee on public information na alamin ito dahil sa posibilidad na ginamit ang pera ng taongbayan para sa naturang operasyon na pinangangasiwaan umano ng isang undersecretary ng executive department.

SM food to go Banner Ad

Giit ng Makabayan bloc, dapat malaman kung pondo ng gobyerno ang ginagamit sa troll farm at kung ang mga gumagawa nito ay siya ring nagsusulong ng red-tagging laban sa mga progresibong grupo at indibidwal.

Si Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang nagbunyag ukol sa inoorganisang troll farm sa bawat probinsya ng hindi pinangalanang undersecretary. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.