Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Usec pumiyok walang werpa DA vs smuggler

0 121

Aminado ang isang opisyal ng tanggapan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na wala silang kapangyarihan upang manghuli at sampahan ng kaso ang mga smuggler ng gulay sa bansa.

Sa isang virtual press briefing, iginiit ni DA Undersecretary Fermin Adriano na limitado ang kapangyarihan ng kagawaran at hanggang sa pakikipagtulungan lamang sa Bureau of Customs (BOC) ang puwede nilang gawin laban sa mga smuggler.

Aniya, kailangan ng bagong batas kung nais magkaroon ng ngipin ang DA laban sa smuggling.

“Kung gusto n’yo magkaroon ng ngipin ang departamento laban sa smuggling, bigyan po natin ng kapangyarihan, ng mandato, na makapag-file, apprehend, and file cases against smugglers. Pero sa ngayon po sa batas, wala pong magagawa ang DA, kundi umasa sa BOC, kasi sila `yong naroon sa batas na may kapangyarihan noon,” giit ni Adriano.

Una nang tinukoy ng DA ang ginagamit na modus ng mga smuggler gaya ng midsdeclaration, undervaluation at lantaran talaga na pagpupuslit.

Ayon kay Adriano, mas mura binebenta ang mga puslit na produkto dahil mababa lang ang production at delivery cost ng mga ito.

SM food to go Banner Ad

“Kung mahuli sila ng isang beses, pero kung maging successful sila sa second, or third attempt nila na mag-smuggle, kikita pa rin sila kasi malaki nga `yong price difference,” ani Adriano.

Carrots, broccoli sinamsam sa Divisoria

Samantala, nasa 46 kahon ng smuggled carrots at broccoli ang sinamsam ng Sub Task Group on Economic Intelligence sa Divisoria noong Abril 4.

Sabi ng DA, ininspeksyon ng grupo ang mahigit 300 stall at sinuri ang mga kahon ng gulay kaya nakumpiska ang 43 kahon ng smuggled carrots at tatlong styro box ng broccoli.

Karamihan umano sa bumibili ng smuggled carrots at broccoli ay mga Chinese national.

Ayon sa DA, P300 kada kilo ang smuggled broccoli samantalang P150 ang local broccoli ngunit pinili pa rin ng mga Chinese national ang imported kahit mas mahal. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.