Abante Tonite Interactive

User-pusher itinumba sa Port Area

By
9

May nakalagay pang karton at may nakasulat na “adik at pusher ako huwag tularan” nang matagpuan ang bangkay ng isang umano’y Muslim na tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Tumanggi naman ang Imam na sina Asmani Harris na dalhin pa sa punerarya ang bangkay ng biktima na nakilala lamang sa pa­ngalang Jaime, tinatayang edad 35 hanggang 40, may taas 5’7, at taga Blk. 15 Lot 17 Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa halip na ang bangkay ay dinala sa Absati mosque para sa tradisyunal na paglilibing sa biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, nakita umano ang duguang biktima ni Jaime Orciano, barangay tanod malapit sa bahay ng biktima dakong ala-1:30 ng madaling-araw.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala ng .45 kalibre ng baril at dalawang sachet ng shabu sa bulsa ng biktima.