Abante Tonite Interactive

Usigin ang may sala

TURNING POINT

By
212

Noong nakaraang lingo, inihayag ni Sen. Emmanuel Pacquiao na iimbestigahan niya ang dating liderato ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. hinggil sa nakuhang donasyon sa International Olympic Committee na US$300,000 o mahigit P15-milyon.

Kailangan aniyang maiulat sa IOC ang halaga upang makuha pa ng kasalukuyang pamunuan ng POC na pinangungunahan na ni Victorico Vargas, ang natitira pang $150,000 (P7.5M). Si Vargas na ang nagtitimon sa POC sa kasalukuyan tapos talunin si Cojuangco sa isang eleksiyon noong Pebrero 2018.

Nasa POC board pa rin naman sa nga­yon si Cojuangco at anak niyang si IOC representative to the Phils. Mikaela Antonia Cojuangco-Jawors­ki. Pero pagsasabong ang pinagkakaabalahan sa kasalukuyan ni Ginoong Peping.

Ang halagang ga­ling sa IOC ay tulong sa pagpapatayo ng sports facilities sa Leyte na sinalanta’t pininsala ng bagyong Ondoy noong 2008. Nasa pedestal ng POC si Cjuangco noong 2005-2018.

May bali-balitang pipitsugin lang ang mga pinaggagawang kumpuni sa ilang pasilidad sa nabanggit na lalawigan.

Kaya kung mapapatunayang may sala, papanagutin ang mga namahala sa pondo.

***

Salamat po sa aking elementary at seconda­ry classmate Enrique ‘Toto’ Valera at partner niyang si Rebecca Geronimo Araña ng McKai Party Needs/Van For Rent sa 1589 Main cor. 6th Sts., Fabie Estate at 2040 Onyx St. diyan sa Paco, Manila sa pag-host sa aking post birthday (January 26) celebration nitong Linggo, February 11.

Siyempre sa mga nagkontribyut sa aming­ munting-salo-salo na sina Fernando Maria Guerrero Elementary School/Manuel­ A. Roxas High School batchmates Gemma Dinero Calipjo ng Ret Enterprises clothing lines company sa Block 2, Lot 156, Phase 2 Extension, Mabuhay City, Paliparan, Dasmariñas City, Cavite; Imelda P. Sarsonas ng Caren’s Sweet Corner ng Blk. 1, Lt. 24, Ph. 9 Villa Rosa Estrella, San Pedro City, Laguna; Maria Teresa Garcia Afable ng Italy at Sta. Ana, Manila; Jane Servas, Lanie Babida, Belinda Gil-Ignacio, at Kiko Sambajon ng Paco, Manila; Brando Barrientos ng Sampaloc, Mla., Millet Ricarte Dejucos ng Sta. Ana, Mla., Mary Ann S. Mariveles ng Las Piñas City, at sa iba pang mga nagsadya kahit ‘di kami nagpang-abot dahil kailangan kong umalis para mag-desk duty.

Muli po, maraming­ salamat sa inyong lahat. God bless us all!