Abante Tonite Interactive

Uso pa ba ang mga pamahiin?

By
1,386

Ginagamit ang mga pamahiin bilang gabay para hindi raw malasin ngunit sa kabilang banda, ang mga paniniwalang ito ay may hatid din palang ‘irony’ sa mga pangyayari.

Alam natin na tayong mga Pilipino ay nabuhay na may mga pinaniniwalaang mga pamahiin at isinasabuhay natin ang mga ito hanggang ngayon kahit pa nga modernong panahon na tayo.

Palaging nagmumula ang mga ganitong pamahiin sa mga matatanda, mga lolo at lola na tipikal na nakatira sa mga probinsya na sa bawat kibot ay may sasabihin silang kaakibat nitong kasabihan.

Alam naman nating mga matatanda ang pinakakon­serbatibong nilalang na talagang magpapaalala ng ating nakagisnan.

Isa-isahin natin ang mga pamahiing ‘ironic’:

#Huwag magsusukat ng wedding gown ang bride bago ang kasal dahil hindi ito matutuloy o may mangyaya­ring masama.

*Paano naman kung hindi kasya ang gown sa bride, puwede bang ipatong na lamang ito habang naglalakad siya sa altar?

#Pagbabawal na magwalis sa loob ng bahay kapag sumapit na ang gabi dahil mawawala daw ang suwerte dahil maitataboy ito.

*Paano kung ‘yun na lamang ang oras na makapagwawalis ka ng bahay, matutulog ka bang madumi ito?

#Kapag nakasalubong ng itim na pusa, huwag nang tumuloy sa pupuntahan dahil maaaring mapahamak.

*Kasalanan ba ng pusa na itim ang kulay niya eh karaniwan namang may itim na pusa?

#Kapag naliligaw ka, baligtarin daw ang damit upang hindi na maligaw.

*Bakit kasi pupunta ka sa isang lugar na hindi mo alam kung paano puntahan? Mala­mang maliligaw ka talaga.

#Bawal magpakuha ng litrato kapag tatlo lamang, dahil maaaring mamatay ang isa.

*Kailangan ba may bilang ng dapat isama sa litrato?

#Bawal umupo sa pinto kapag may buntis, mahihirapan daw itong manganak.

*Dadaganan niya ba ang buntis para mahirapang ma­nganak?

Mahalagang panatilihin natin ang mga paniniwalang kinagisnan natin, ngunit wala namang masama sa pagtaliwas dito. Ang mahalaga ay alam natin ang bawal at puwede, tama sa mali at kung paano natin ito isasabuhay sa maayos na paraan.