Abante Tonite Interactive

Usong e-paputok, ‘Digong’ at ‘Trillanes’ patok

2,151

Nauuso ngayon ang tinatawag na electro­nic paputok matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 88 upang higpitan ang paggamit ng mga pa­putok at iba pang pyrotechnic devices.

Kabilang sa mga patok na e-paputok ay ang tinatawag na ‘Digong’ at ‘Trillanes’.

Sa paliwanag ng Filipino Inventors Society Producer Coope­rative, na siyang nagbebenta ng electronic paputok, mas ligtas itong gamitin at hindi pa mausok saka puwedeng gamitin pa ulit.

Higit sa lahat, environmental-friendly at aprubado umano ang paggamit nito kaya iwas-disgrasya na ay wala pang masamang dulot na pinsala sa kalusugan at kapaligiran.

Paliwanag ng grupo na mas ligtas na alternatibo ito kaysa mga delikadong paputok at kuwitis na karaniwang ginagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon.