Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UST arangkada sa face-to-face class

0 159

Pinayagan ni Manila Mayor Isko Moreno ang proposal ng University of Santo Tomas (UST) para sa limitadong face-to-face class sa kanilang mga medical at allied health program.

“Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso approves the proposal of the University of Santo Tomas (UST) to resume limited face-to-face classes for the educational institution’s medical and allied health programs,” sabi sa anunsyo ng Manila Public Information Office sa Facebook nitong Miyerkoles.

Kamakailan ay inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang limitadong face-to-face class para sa mga kolehiyong may kursong medisina at iba pang may kaugnayan dito na nasa mga modified general community quarantine area.

SM food to go Banner Ad

“The president has approved my recommendation to have limited face-to-face [classes] within higher education institutions in medicine and allied health sciences in MGCQ areas and in GCQ areas where the students go into COVID-19 hospitals,” pahayag ni CHED Chairman Prospero De Vera III.

Kaugnay nito, hinayag ng alkalde na hindi dapat pilitin ang sinumang estudyante na hindi papayag na dumalo sa limitadong face-to-face class.

Samantala, ang ibang paaralan na gustong magsagawa ng limitadong limited face-to-face class ay dapat magsumite ng aplikasyon para rito. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.