Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UST Bubble nakakakulta ng utak – Pumaren

0 112

Nagulantang at naging palaisipan kay University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach Franz Pumaren ng Adamson University Soaring Falcons ang isyu sa ‘UST Bubble’ sa Casuy, Sorsogon.

Aniya, bago pa kumalat sa social media at mga pahayagan ang isyu, nasagap na ito ng kanyang radar.

“I’ve been hearing about that and for me to validate everything, its mind boggling,” kwento nh men’s basketball tactician sa One Sports podcast na SportsPage nitong Martes ng gabi.

Nagtataka aniya siya na pumunta pa ng Bicol para mag-training lang ang University of Santo Tomas Growling Tigers gayung may mahigpit na ipinatutupad na health protocols ang gobyerno dulot na ng Covid-19.

“As we all know, we have certain rules to follow. There’s the IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease) , the governing body,” giit ng 56-year-old, 5-foot-9 five-time UAAP champion bench strategist.

“How come they were able to travel from Manila going to Sorsogon. We all know for a fact that you’re not supposed to be travelling. Second, you have to look at the health issues also,” dagdag pa ng Quezon City councilor.

Pinaplantsa pa sa kasalukuyan ang gusot ng koponan sa UAAP board, ilang opisyales ng Joint Administrative Order (JAO) Group at Commission on Higher Education (CHED) sa kinakaharan na sanction. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.