Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UST bubble swak sa DOJ

0 61

Isusumite sa darating na Lunes ng Joint Administrative Order (JAO) group ang isang report sa Department of Justice (DOJ) sa kontrobersyal na Sorsogon ‘bubble’ training ng University of Santo Tomas Growling Tigers.

Muling nag-online meeting nitong Biyernes ang JAO panel na kinabibilangan ng Games and Amusement Board (GAB), Commission on Higher Education (CHED), Philippines Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH).

Ayon kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra, patuloy ang kanilang pagsusuri sa posibleng violation ng UST na minanduhan nang nagbitiw na coach na si Aldin Ayo.

Hinirit niyang sinisilip ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na payagan ang varsity teams na mag-ensayo sa tulong ng mga professional leagues na Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football League (PFL). (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.