Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UST general champion ng UAAP Season 82

0 202

Kahit hindi hindi nakumpleto ang mga sports event dahil sa coronavirus disease pandemic, magsasagawa pa rin ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 2019-20 ng isang closing ceremony via online sa darating na Hulyo 25.

Sa gaganaping seremonya, pararangalan ang University of Santo Tomas bilang general champion ng edisyon ng liga.

Kinansela ng liga ang mga labanan sa volleyball, football, athletics, tennis, baseball, softball at 3×3 basketball noong Marso-Abril dahil sa paglaganap ng COVID-19.

Dagdag pa rito, ituturn-over rin ng Ateneo de Manila University ang hosting ng Season 83 sa De La Salle University.

I-eere ng ABS-CBN Sports, sa kanilang online platforms ang closing ceremony na sisimulan sa alas-4:00 nang hapon kung saan may special performances pa ang ilang celebrity icons at Pinoy bands. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.