Abante Tonite Interactive

UST INILAGLAG NG UP

By
12

Sinilo ng University of the Philippines Lady Maroons ang University of Sto. Tomas Golden Tigresses 25-19, 13-25, 25-23, 16-25, 15-6 para manatiling malinis sa tatlong laro at masolo ang top spot sa Group B ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Confe­rence sa PhilSports Arena.

Naging agresibo sa paluan si Justine Dorog lalo na sa fifth set kaya halos malito ang Tigresses sa kanilang depensa

“Maganda ‘yung laro ni Justine palo ng palo kaya nakuha namin yung panalo.” wika ni UP coach Jerry Yee sa player niyang tumapos ng 14 points.

Samantala, kahit wala ng pag-asang sumampa sa susunod na round ay ipinakita pa rin ng San Beda College na may kakayahan din silang manalo kahit bagito lang sa liga.

Kinaldag ng Lady Red Spikers ang NCAA champion College of Saint Benilde Lady Blazers 25-16, 25-21, 25-20 sa unang laro.

Umariba si Janine Marciano ng 16 points kasama ang 11 kills, four service aces at block, may 14 markers si Francesca Racraquin para ilista ang unang panalo ng San Beda sa Group B.

May barahang 1-3 ang SBC habang 0-4 ang Lady Blazers.
Tumikada si Jeanette Panaga ng 10 puntos para sa CSB.

Samantala, dinagit ng Ateneo Blue Eagles sa tatlong sets ang National College of Business and Arts Wildcats 25-20, 25-16, 28-26 para sikwatin ang malinis na tatlong panalo sa 2nd Spikers’ Turf Collegiate Conference.

Sinuwag naman ng Far Eastern University Tamaraws ang pangalawang sunod na panalo matapos pagpagin ang Philippine Merchant Marine School,  25-19, 25-16, 25-23  sa Group A.