Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UST inindiyan ang IATF

0 151

Ikinalulungkot ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabag sa mga itinakdang safety guideline at health protocol hindil lang ng mga mamamayan kundi ng mga kabataang atleta kaya mapipilitan ang pamahalaan na magpataw ng kaparusahan.

Pinahayag ng ahensiya ng gobyerno sa sports ito nitong Lunes sa posibilidad na paglabag ng University of Santo Tomas Growling Tigers sa mga health protocol nang magsagawa ng training camp sa Sorsogon habang nasa community quarantine ang bansa dahil sa Covid-19.

SM food to go Banner Ad

“We were informed that the University concerned is now conducting their own investigation and that University Athletic Association of the Philippines (UAAP) shall share information in the following days,” ayon sa PSC, na nanguna sa pulong sa ngalan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kasama ang UAAP, Department of Health (DOH), at Games and Amusements Board (GAB).

Walang naman dumalong taga-UST kahit pinadalhan ito ng imbitasyon.

Nakidiskusyon sina PSC-Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Edward Velasco, GAB Chairman Abraham Kahlil Mitra, UAAP Executive Director Rene Saguisag Jr., UAAP Season 83 President at DLSU Athletic Director Emmanuel Calanog at DOH Representative Rodley Carza. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.