Abante Tonite Interactive

UST kinuyog sa estudyanteng nambugbog ng GF

6,081

Viral sa social media ang ginawang pambubugbog diumano ng isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) sa kanyang girlfriend.

Maging ang pamunuan ng unibersidad ay hindi nakaligtas sa pambabatikos ng mga netizen sa kontrobersiyal na insidente na kumalat sa Twitter.

Isang nagnga­ngalang Kyle Viray ang sinasabing nambugbog ng kanyang girlfriend. May lumabas pang litrato ng biktima sa social media kung saan ay ipinakita ang mga tinamo nitong pasa at sugat dahil sa pambubugbog sa kanya.

Hindi pa malinaw kung saan nangyari ang insidente. Kung ito ba ay sa labas ng UST o sa loob ng kanilang campus.

Pero giit ng ilang netizen na dapat aksyonan ng pamunuan ng UST ang pangyayari.

Hindi anila katanggap-tanggap kung hihingi lang ng tawad ang nagkasalang estudyante at paparusahan lamang ng community service. Gustong mangyari ng mga netizen na nakakaalam sa sinapit ng biktima na ipataw ang pinakamabigat na parusa ng UST laban sa mga pasaway na estudyante at sipain sa eskuwelahan ang nambugbog.

Sari-saring reaksyon pa ang mababasa sa Twitter ukol sa insidente kung saan ay binabatikos din ang UST.

@paulina: “UST fired a teacher and suspended students for harmless tweets but they gave a domestic abuser, Kyle Viray, community service lang?? Sad and pathetic. This will never give justice to what his victim/s had to go through.

“He’s from bio! Apparently he only got community service because it was ‘just a first offense’. First offense or not, his behavior is inexcusable and shouldn’t be taken lightly.”
May nagmura pa at kinukuwestiyon kung bakit community ­service lang ang ipinataw na parusa.

Ayon naman sa isang source ng TONITE na ayaw magpabanggit ng pangalan, wala itong balita na maghahatol ng community service ang UST.

“Warning, suspension, o expulsion lang alam ko. Walang community service. Unless proven otherwise,” ­dagdag nito.

Sinabi pa ng source ng TONITE na kapag napatunayan ang kasong kriminal, matik naman na tanggal sa UST ang nakakaladkad na estudyante.