Abante Tonite Interactive

UAAP | UST may pundasyon sa next season

124

Nakaisa ang UST sa pagtatapos ng 2nd round ng eliminations matapos talunin ang UE 88-85 Linggo ng hapon sa UAAP Season 80 basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Ito raw ay parte lamang ng rebuilding at paghahanda ng koponan dahil hinahanap pa ni coach Boy Sablan ang chemistry ng lineup na binubuo ng tigwalong rookies at veterans.

“Masaya kami dahil hindi kami na-zero and the same time ito ‘yung part ng rebuil­ding process namin, transition from the two coaches na dumaan kailangan mabago ‘yun, kailangan doon umpisahan,” saad ni Sablan.

May pundasyon na ang mga taga-España sa pagtatayo ng mas magandang kampanya sa susunod na taon. Nakaiwas ang Tigers sa zero season.

“Hindi naman basketball na agad kasi bago ako dumating maraming nangyaring hindi maganda at saka nawala kami sa history na walang naipanalo,” dagdag ng coach.
Natapos ang UST sa 1-13 ngayong season.