Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utak ng Cotabato mall bombing todas sa engkuwentro

0 219

Patay ang umano’y miyembro ng Dawlah Islamiyah na mastermind ng New Year’s Eve 2018 bombing sa isang shopping mall sa Cotabato City matapos ang naganap na engkwentro kontra pulisya, Martes ng madaling araw.

Napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Intelligence Group ang suspek na si Abraham Abdulrahman alyas Abu Suffian ala-1:30 ng madaling-araw sa Barangay Bagua 2, Cotabato City.

Binigyan naman ng komendasyon ni PNP chief General Debold Sinas ang operating teams.

Sa ulat, isinagawa ang joint operation ng Counter-Terrorism Division ng Regional Intelligence Units 12 & 15 of PNP-IG; CIDG-BAR Regional Field Unit; PNP Special Action Force; at Cotabato City Police Office.

Isang search warrant ang isisilbi laban sa suspek sa bahay ni Jasmiyah Camsa Imbrahim subalit nanlaban ang suspek dahilan ng pagkamatay nito habang ang asawa nitong si Jasmiah ay nakatakas.

Nakuha sa napatay na suspek ang isang kalibre .45 baril at granada, 60 mm high explosive mortar projectile, at mga sangkap sa paggawa ng bomba. Na-rescue naman ang anim na bata at isa pang babae.

Sa police record, si Abu Suffian ay miyembro ng Dawlah Islamiyah na nagsanay sa paggawa ng bomba. Kasama din si Suffian sa Butig at Marawi siege katuwang ang Maute group at itinuturong mastermind sa South Seas Mall bombing sa Cotabato City noong Disyembre 31, 2018, na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 30 iba pa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.