Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utak ng karibal pinaluwa

0 401

DAHIL sa selos, tinarakan sa ulo hanggang sa mapatay ang isang 41-anyos na lalaki ng kapitbahay nito nang nalaman na umano’y nilalandi ng una ang kanyang live-in partner sa Trece Martires City Sabado ng gabi.

Labas ang utak dahil sa tinamong saksak sa ulo si Raul Fernandez, balo, at may live-in partner, ng Brgy Inocencio, Trece Martires City. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Marion Michael Nero, 22, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ni PSSgt Rene Bibon, ng Trece Martires City Police Station, ika-10:55 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente pero bago ito ay masaya pang nag-inuman ang biktima, suspek at ilang kaibigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kalagitnaan ng kuwentuhan ay nagbiro ang isa hingggil sa umano’y paglalandi ng biktima sa live-in partner ng suspek.

“Kuwentu-kuwentuhan lang, eh puro nakainum na lahat nang biruin na nilalandi ang kanyang live-in partner kaya nagselos ang suspek pero hindi nito ipinahalata ang kanyang galit,” ayon kay Bibon.

Matapos ang inuman at nagsiuwian na lahat, ligid sa kaalaman ng biktima ay sinundan siya ng suspek at pinagsasaksak sa ulo ang biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.