Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utak ng One Dream Global scam nadakma

0 118

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang sinasabing mastermind ng multi-billion pesos investment scam ng One Dream Global marketing.

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Crime Investigation Section, Warrant and Subpoena at District Traffic Enforcement Unit ng Quezon City Police District ang suspek na si Arnel Roxas Gacer, 39, owner/proprietor ng One Dream Global Company, sa bisa ng 14 na warrant of arrest kabilang ang kasong syndicated estafa na inilabas ni Judge Santiago Arenas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 217.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pasado alas-11:00 Miyerkoles ng gabi, isinagawa ang pagdakip kay Gacer sa loob ng isang restaurant sa Panay Avenue kanto ng Timog Avenue.

Unang kinasuhan ng syndicated estafa si Dacer sa Department of Justice (DOJ) noong Hulyo 2015 dahil sa P3.5 bilyon investment scam matapos ang inihaing reklamo ng mga investor dahil sa hindi na pagre-remit ng ipinangakong kita ng One Global company.

Narekober ng pulisya mula sa posesyon ni Gacer ang isang shotgun, 2 baril at cash na nagkakahalaga ng P500,000. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.