Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utak ng paninira namumuro

0 82

Mukhang malapit na raw matumbok ang utak ng paninira kamakailan kay Executive Secretary Vic Rodriguez. Kung inyo pong matatandaan, pumutok ang isyu na nagbitiw na raw si Rodriguez bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Hinihingan daw kasi ng datung ni Rodriguez ang mga mauupong opisyal ng gobyerno, bagay na mariiing itinanggi ng executive secretary at sinabing fake news ito.

Makalipas ang mahigit isang linggo, natumbok na raw ng intelligence community ang grupo na gumawa ng black propaganda laban kay ES Rodriguez na hanggang ngayon ay hindi matigil-tigil ang ginagawang paninira laban sa binansagang ‘Little President’ ng bansa.

Ang grupong ito ay pinamumunuan daw ng isang alyas ‘Prudente’ at ang mga kasamahan nito ay dating may kaso sa korte.

Nabatid sa isang impormante na ang grupong ito ang isa sa itinuturing na ‘power broker’ ngayon sa Palasyo ng Malacañang. Noong nakaraang presidential campaign, ang grupong ito ang masipag mag-solicit sa kandidatura noon ni Marcos.

Ipinagyayabang daw ng lider ng grupong ito na nakarekta siya kay PBBM kaya lahat ng mga negosyanteng gustong tumulong sa UniTeam ay dapat dumaan sa kanyang kamay, aba’y sobrang lakas naman ng apog nito.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kabilang daw sa hiningan nito ng kontribusyon ay isang negosyanteng Chinese sa lalawigan ng Cavite. Siyempre, hindi basta-basta magpapakawala ng malaking pera itong tsekwa kung walang kapalit kaya pinangakuan ng malalaking proyekto kapag nanalo si BBM.

Nabatid na karamihan daw sa mga inuupong puwesto sa pamahalaan ngayon ng grupong ito ay mga ‘juicy positions,’ katulad ng nasa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at kahit Land Transportation Office.

Marami na raw naipasok sa gobyerno ang grupong ito pero marami rin dito ang hinarang ng sikat na vlogger na si Thinking Pinoy dahil mga ‘fictitious character’ ang gustong ipasok sa gobyerno. Si Thinking Pinoy, RJ Nieto sa tunay na buhay, ay miyembro ng ‘screening committee’ ng BBM Headquarters.

Dahil sa napapahiya sa mga negosyanteng hiningan ng campaign fund, naglunsad daw ang grupong ito ng malawakang ‘disinformation campaign’ laban kay ES Vic.

Hindi pa malinaw kung itong lider ng grupo ay ang taong sinibak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa BOC dahil sa isyu ng korapsyon may ilang taon na ang nakaraan.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na magbigay ulat hinggil sa iba pang illegal na gawain ng grupong ito upang tuluyan itong masawata ng kinauukulan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.