Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utak sa mental hospital exec murder nalambat

0 45

Arestado na ang sinasabing utak sa pa­nanambang sa direktor ng National Center for Mental Health (NCMH) na si Dr. Roland Cortez sa Quezon City noong Hulyo 2020.

Kinilala ni QCPD director P/BGen. Antonio Yarra ang umano’y mastermind na si Clarita Avila, 65-anyos, dating chief administrative support service officer ng NCMH, na naaresto noong Hunyo 25 sa San Mateo, Rizal kung saan ito nakatira.

Kusang-loob namang sumuko noong Hulyo 2, sa CIDU at ISAFP ang driver at bodyguard ni Avila na si George Serrano, 57, kasama ang kanyang abogadong si Atty. Crystal Prado. Pero habang sumuko si Serrano ay itinanggi niyang sangkot siya sa krimen at hindi raw talaga siya tauhan ni Avila kundi isang janitor at maintenance sa NCMH.

Nilinaw ni Yarra na may dalawa pa silang suspek na pinaghahanap.

Hindi pa agad inilabas ng QCPD ang pagkakaaresto kina Avila at Serrano dahil isinailalim pa umano sa masusing imbestigasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magugunitang pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng riding-in-tandem si Cortez at ang personal driver niyang si Ernesto Dela Cruz noong Hulyo 27, 2020 bandang alas-7:00 ng umaga sa kanto ng Cassanova Drive at Tandang Sora Ave., Brgy. Culiat, QC.

Sa salaysay ng mga nakasaksi, sakay ng motorsiklo ang dalawang salarin at kinatok pa umano ng rider ang pintuan ng sasakyan ni Cortez at nang buksan ay doon na sila pinagbabaril.

Batay sa ulat, posibleng may kinalaman sa trabaho ang pananambang matapos magpatupad ng mga reporma si Cortez sa NCMH, na nagresulta upang maimbestiga­han ng National Bureau of Investigation at masampahan ng kaso si Avila.

Lumalabas na si Avila ay sangkot umano sa katiwalian na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng food catering, gayundin sa clothing at medication procurement sa NCMH. (Dolly Cabreza/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.