Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utak sa pinaslang na Palawan lawyer lumutang

0 207

Matapos mailabas ang pangalan sa mga kinasuhan dahil sa pamamaslang kay Atty Eric Jay Magcamit sa Palawan, sumuko sa pulisya nitong Biyernes ang tinuturong mastermind sa pagpatay na si Marcelino Quioyo.

Ika-3;00 ng hapon nang sumuko si Quioyo sa Special Investigation Task Group dahil umano sa pangamba sa kanyang buhay.

Nabatid kay SITG Magcamit Comdr Police Col Nicolas Torre, mas gusto na umano ni Quioyo sa kustodya na lang ng pulisya kesa sa labas sa takot na may mangyaring masama sa kanya. Nasa pangangalaga ngayon ito ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Palawan Regional Force Unit (RFU).

Kamakalawa ay sinampahan ng murder si P/M/Sgt. Ariel Pareja, Quioyo, Jazer Del Rosario at anim na iba pa dahil sa pamamaslang kay Magcamit noong Nob. 17 ng umaga sa bayan ng Narra, Palawan.

Lumalabas sa imbestigasyon na si Pareja ay suma-sideline na bodyguard ngnegosyanteng si Quioyo na sangkot sa isang kaso ng land dispute kung saan si Atty. Magcamit ay abogado ng kabilang partido. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.