Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utang ng gobyerno P1.34 trilyon na

0 272

Umabot na sa P1.34 trilyon ang inutang ng administrasyong Duterte mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Ayon sa datos ng Bureau of the Treasury, P250.06 bilyon ang inutang ng administrasyon sa mga dayuhan at mga multilateral agency tulad ng Asian Development Bank at World Bank samantalang P1.09 trilyon naman ang inutang sa loob ng bansa.

Amindado si Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang inutang ng gobyerno ngayon ay higit pa sa pagkakautang ng kahit anong administrasyon sa bansa.

Nangutang ang pamahalaan dahil kulang na kulang ang nakolekta nitong buwis, taripa, at iba pang mga sinisingil sa mga tao at mga kompanya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.