Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utang ng mga Pinoy lomobo sa P873B

0 176

Umaabot sa 18.4 bilyong dolyar o tinatayang P873 bilyon ang nautang ng gobyerno mula sa mga dayuhang financial institutio para sa pangangailangan ng bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ito ang inihayag ni Department of Finance Undersecretary Mark Dennis Joven sa Laging Handa press briefing. Aniya, karamihan dito ay napunta sa vaccination program, habang ang $16.26 bilyon ay mapupunta sa budget support at ang $2.14 bilyon ay para sa project financing.

“We have available funds for around 72.5 billion pesos for the vaccination program which we borrowed from 3 multilateral institutions, these are the World Bank, the ADB and the AIIB,” dagdag ni Joven.

Babayaran umano ang mga inutang sa mababang interes at mahabang panahon na posibleng abutin ng dekada dahil hindi umano kakayanin kung agad na magbabayad.

Sinabi ng opisyal na hindi lamang ang Pilipinas ang nagkaroon ng malaking utang dahil maging ang ibang mga bansa sa Asya ay nagtaas din ng kanilang mga inuutang dahil sa pandemya.

“This problem is not only a uniquely Philippine problem. Our ASEAN neighbors, all countries within the ASEAN have increased foreign bowworungs since last year,” wika pa ni Joven. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.