Abante Tonite Interactive

Utang sa credit card

302

Dear Dream Catcher:

Nanaginip ako tungkol sa utang. Isang credit card billing statement ang nakita kong pinag-aaralan ko daw. Mahaba daw ang listahan. Sa totoong buhay, wala naman akong credit card. Ano po ang ibig sabihin ng aking­ panaginip?

Claudine

Dear Claudine:

Ang panaginip tungkol sa pagkakautang sa credit card ay indikasyon na ikaw ay masyadong nagiging reckless o mapangahas sa mga ginagawa mo sa buhay nang hindi inaalintana kung ano ang magiging epekto nito sa pangkalahatan.

Sa paggamit ng credit card, kung hindi natin kokontrolin ay mababaon tayo sa utang. Kung bawat magustuhan natin ay ating bibilhin talagang hahaba ang listahan at sa bandang huli maari ka pang makasuhan.

Related Posts

Ganito rin ang koneksyon na dapat mong hanapin sa iyong panaginip. Tingnan mo kung saang bahagi ng iyong buhay masasabing nawawalan ka na ng kontrol.

Ang panaginip tungkol sa utang ay indikasyon din na kailangan mong maging res­ponsable sa iyong mga aksyon kaya naman maaring ituring ang iyong panaginip bilang mensahe at paalala ng iyong subconscious na kung anuman ang iyong ginagawa kailangang manatili ang lahat sa iyong kontrol.

Sa kabuuan, ang iyong pana­ginip ay paalala na kailangang ilagay sa ayos ang iyong buhay, harapin nang maayos ang mga obligasyon at anumang commitment sa buhay.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER­ ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abante dreamcatcher@gmail.com.