Abante Tonite Interactive

Utol, 2 pamangkin ni Echegaray dinakma sa droga

By
0 177

Dinakma ng mga operatiba ng Masambong Police Station (MPS) ang anim na adik at tulak ng shabu kabilang ang kapatid at mga pamangkin ni Leo Echegaray sa isinagawang anti–drug operation sa Quezon City kahapon nang madaling-araw.

Si Leo Echegaray ay nahatulan ng bitay sa kasong rape sa kanyang anak-anakan noong 1999.

Kinilala ni P/Supt. Rodrigo Soriano, hepe ng QCPD-PS2, ang naarestong sina Noel Echegaray, 49, kapatid ni Leo; pamangkin na si Norman Echegaray, 30; at Jonathan Eche­garay, 19; kasamahan na sina Maribel Ruxil, 40; at Herbert Juilon, 20, pawang taga-Brgy. San Antonio, QC.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay P/Supt. Soriano, alas-12:30 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng QCPD-PS2 ang buy–bust operation sa Brgy. San Antonio sa pamumuno ni P/Chief Insp. Rodante Albano.

Nabatid na isang police asset ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa pagtutulak at paggamit ng iligal na droga ng grupo kaya agad na ikinasa ang operasyon.