Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utol ng female personality sobrang inggit

0 178

Napakagasgas na ng litanyang mag-isip muna nang maraming beses bago mag-post. Kapag lumabas na ang post, kapag pinagpistahan na ng publiko, sino ba ang naiiwang kahiya-hiya kapag nagsisisi na?

‘Yun ang gasgas na ring dahilan. Nadala lang sila ng emosyon. Nabigla lang sila. Pero huli na para bawiin pa ang mga masasakit na salita na ipinukol nila sa kapwa.

Kuwento ng aming source, “Saka idagdag din natin na pumapatay ang inggit. Kapag pinasok na ng inggit ang utak ng tao, e, parang pag-ibig ‘yun na hahamakin ang lahat, makapanira lang!

“Tingnan n’yo ang nangyari sa kapatid ng isang female personality. Sumobra ang inggit niya sa katawan, binabalot siya ng inggit sa kapatid niya, kaya ano ang ginawa niya?

“Inilabas niya ang mga baho kuno ng kapatid niya, talagang inalipusta niya, parang sinasaksak ang sister niya sa mga salitang ipinost niya!

“Natural, nakihalo sa pagpipista ang buong bayan! May mga kumakampi sa kanya, pero mas marami ang nagpakain sa kanya ng ampalaya!

“Imagine nga naman, siya pa mismo ang sumira sa sister niya niya na hinangaan sa buong mundo?” unang naiinis na komento ng aming source.

Pagkatapos nang ilang araw ay nag-anyong maamong tupa ang babae, biglang kumambiyo, huwag daw sanang wasakin ng publiko ang pagkatao ng kapatid niya.

Balik-chika ng aming source, “Sino ngayon ang mukhang tanga? Ang mga nakabasa ba ng mga paninira niya o siya mismo na nanira nang bonggang-bongga sa kapatid niya? Pumapatay talaga ang inggit.

“Kapag nananalamin siguro siya, e, nakikita niya ang mga katangiang meron ang sister niya na wala sa kanya. Naiinggit siya dahil ang paborito kuno ng mommy nila ay ang sister niya.

“E, sino naman kasi ang magkakagusto sa taong punumpuno ng galit at inggit ang katawan? Sa kanya dapat magmula ang dahilan para maging paborito rin siya ng magulang niya!

“Pampamilyang problema, e, dadalhin niya sa social media! Hindi ba naman napakasarap niyang itali sa puno na pinagkukutaan ng mga langgam?” nabubuwisit na pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Vice power trip sa parinig

Sabi ng mga kaibigan namin, “Umaariba na naman si Vice Ganda! Nasaksakan lang ng dextrose, umaarya na naman siya!”

Ang kuwento ay nag-ugat sa hindi nila nagustuhang biro ni Vice nu’ng isang araw sa It’s Showtime. Hindi namin ‘yun napanood kaya sila ang pinagkuwento namin.

Sabi ng isang nagbalita sa amin, “Meron kasi siyang sinabi sa ere na kung makakausap lang daw niya sa Gat Andres Bonifacio, e, tatanungin niya kung ano ba ang isinigaw niya sa rebolusyon?

“Sugod mga kapatid daw ba o sugod, mga kapamilya? Nagtawanan naman siyempre ang mga co-hosts niya! Natural, double bladed ang komento niyang ‘yun, umani ng reaction,” sabi ng aming kausap.

Ang komento ni Vice ay may pailalim na parinig, maraming nagpapatunay, sa mga kasamahan nila sa ABS-CBN na naglundagan na sa TV5.

Nu’ng kasagsagan ng emosyon ng mga taga-ABS-CBN dahil sa pagpapasarado sa kanilang network ay panay-panay ang post ni Vice tungkol sa mga kasamahan nilang nawalan ng trabaho.

Napakalungkot niya, paano na raw ang mga kapamilya niyang mawawalan ng trabaho, paano na raw ang mga magugutom nilang pamilya?

Sabi uli ng kausap namin, “Ngayong nasa TV5 na ang marami nilang kapamilya dahil si Mr. M (Direk Johnny Manahan) ang namahala sa pagpili, e, heto na naman si Vice. Umaariba na naman ang matabil niyang dila!

“Dapat, e, maging masaya siya dahil may trabaho na ang mga kasamahan nila sa TV5! Bakit, kaya ba niyang ibigay ang mga pangangailangan ng mga artistang lumipat sa TV5 para magkatrabaho?

“Tantanan na niya ang mga ganyang salita! Lungkut-lungkutan siya nu’n, pero ngayong nasaksakan na naman siya ng suwero dahil nasa free TV na sila, e, nagpa-power trip na naman siya!” negang komento pa ng aming kausap.

Korek na korek!

Leave A Reply

Your email address will not be published.