Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utol ni Ivana labas-masok sa ospital

0 523

Nagsalita na ang kapatid ni Ivana Alawi na si Mona kung bakit siya parating absent lately sa YouTube vlogs ng kanyang ate.

Marami na kasi ang naghahanap sa kanya at nakakapansin na lagi siyang wala kaya minabuti nilang sabihin ang dahilan.

Sa latest vlog ni Ivana ay kasama niya si Mona para ito na mismo ang magsalita. Simula ng dating child actress na ngayon ay 17 years old na, mayroon daw siyang diabetes.

“I’m type 1 diabetic and for a while, hindi talaga controlled ‘yung sugar ko even though nagtutusok (ng insulin) naman kami,” she said.

“Recently, ‘di ako okay, alam mo ‘yung nagkakasakit ako. Nagstart din ako dito sa pump, and then du’n, umokey na ‘yung sugar ko for the first time,” kwento niya.

Binilhan ni Ivana ng insulin pump si Mona para sa kanyang diabetes na akala raw nila ay sa US lang meron at recently lang nila nalaman na mayroon na dito sa Pilipinas.

“Kumuha kami ng pump and na-control na ‘yung sugar ko for the first time in years kasi dati lagi akong high (ang sugar level), 300, 400 and then ngayon nasa normal na ako.”

Pero nagkaroon daw ng problema ang kanyang nerves dahil tila nagulat daw ang katawan niya sa biglang pagbaba ng sugar niya.

“So, ‘yung nerves ko, parang nagulat siya, nagkaroon ako ng diabetic neuropathy. Pero I will get better, hindi naman siya impossible, may gamot siya. But it will take some time para um-okey ako,” ani Mona.

Kwento naman ni Ivana, ilang beses daw naospital si Mona nitong pandemic at hindi siya makadalaw.

“Pero isang beses, dumalaw ako. Wala akong pakialam, wala akong trabaho, pupunta ako diyan,” tsika ni Ivana.

SM food to go Banner Ad

Huling na-hospitalize raw si Mona a few months ago.

“Mahirap siya, pero I’m fighting and I’m gonna keep fighting para sa family ko, para sa sarili ko at para sa inyo kasi love ko kayong lahat,” sey ni Mona.

@@@

Juls na-hack ang Twitter

Ibinalita ni Julia Barreto sa kanyang Instagram story na na-hack ang kanyang Twitter account.

“My twitter has been hacked,” pagbabahagi niya.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Julia pero sa ngayon ay deactivated na sa Twitter ang kanyang account.

May mga netizen naman na nagbahagi na napalitan na raw ang username ni Julia sa Twitter. Mula sa dating @BarrettoJulia ay naging @zickingp na ito at nananatiling may 1.9 million followers.

Hindi pa alam kung may kinalaman ang pagkaka-hack ng Twitter ni Julia sa latest controversy sa aktres kung saan ay inungkat ng mga netizen ang lumang video nito na kumakain ng isaw.

Matatandaan kasing sinabi ni Julia sa vlog ng boyfriend na si Gerald Anderson na first time niya pa lang nakatikim ng isaw.

Pero bigla na nga lang hinalungkat ng netizens ang lumang videos ni Julia na kumakain ng isaw, ang isa ay kasama si Ronnie Alonte at ang isa naman ay sa episode ng Gandang Gabi Vice kung saan ay pinatikim ni Vice Ganda ng isaw ang aktres at si Enrique Gil.

Leave A Reply

Your email address will not be published.