Abante Tonite Interactive

Utol ni James ‘di iniwan si Nadine

581

Sa kabila ng hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre, hindi naging dahilan iyon para maputol ang komunikasyon ng aktres sa mga kapatid ni James. Tuloy ang friendship ni Nadz kay Lauren Reid.

Pagkatapos maianunsyo ang breakup, nag-post si Lauren sa kanyang IG account ng litrato nila ng aktres habang nagbo-bonding sa Boracay.

Marami namang mga fan ni Nadine ang pumuri dahil hindi lumayo si Nadine sa mga mahal sa buhay ni James.

Nagpapasalamat din ang mga ito na hindi iniwan ni Lauren si Nadine sa kabila ng lahat.

Sey pa ng netizens: “Please continue loving Nadine”, “Hoping that your relationship as sisters will never change because of this issue,” “Please keep the sisterhood bonding especially the love.”

Malalim ang pagkakaibigan nina Nadine at Lauren. Noong mga panahong nakakaranas ng depresyon ang aktres dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid ay isa si Lauren sa mga kaibigang unang dumamay sa kanya. (Archie Liao)