Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utol ni Kris umalma sa mahjong ni Cory

0 76

NI: BETH GELENA

Inalmahan ni Ballsy Aquino-Cruz, sister ni Kris Aquino ang umano’y “mahjong scene” ng kanilang ina na si Former President Cory Aquino sa ‘Maid in Malacanang’ movie. Hinuhulaan na si Cory ‘yun dahil nakadilaw pero never namang pinangalanan ng naturang pelikula na siya ‘yun.

Marami ang pumuna sa nasabing eksena sa mahjong.

Pagkaklaro naman ng former First Daughter, her mother never played mahjong during EDSA nor even during her presidency.

Aniya, magmula.raw nang mamatay ang kanilang lola nu’ng 1985 ay hindi na nagma-mahjong ang kanilang ina.

Aniya, “Mom NEVER PLAYED MAHJONG during EDSA — I can’t imagine how she could have — and her presidency.”

Ayon naman sa direktor ng MIM na si Darryl Yap, “nothing wrong with Cory playing mahjong.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.