Abante Tonite Interactive

Utol ni Maine tinangging ayaw kay Arjo

719

Binigyan ng kahulugan ng mga netizen ang cryptic post ng kapatid ni Maine Mendoza na si Coleen. Inakala nila na may kinalaman ito sa relasyon ng celebrity couple na sina Maine at Arjo Atayde.

Saad ng post ni Coleen sa kanyang Instagram, “As time goes on, you’ll understand. What lasts, lasts; what doesn’t doesn’t. Time solves most things. And what time can’t solve, you have to solve yourself.”

Kanya-kanya ang opinyon at interpretasyon ng mga netizen sa nasabing caption. Iniisip kasi nila na hindi pabor si Coleen kay Arjo para sa kapatid. Marami pa rin kasing umaasa sa tambalan nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Kaagad naman niyang nilinaw na walang kinalaman ang kanyang mga post sa lovelife ng kanyang kapatid.

Sey niya, “The views and opinions expressed by my posts do not necessarily state or reflect those of my sister, my family, Arjo, and the network.Furthermore, the views and opinions of the comment-ers do not reflect those of me, my sister, my family, Arjo and the network.”

Inamin ni Coleen na may pinagdadaanan din naman siyang personal.

Bagamat matagal na rin nang huling nagkasama si Maine at Alden, umaasa ang AlDub fans na sana’y muling magkasama sa iisang proyekto ang dalawa.(Rona Ronda)