Abante Tonite Interactive

Utol ni Toni pahulaan kung virgin bride

985

‘Kaaliw ‘yung pang-asar na tweet ni Luis Manzano sa bagong engaged niyang kaibigan at paboritong kaasaran na si Alex Gonzaga.

Nagreak si Luis doon sa tweet ni Alex na sweet ito at ang nobyo na ngayon ay fiancé na nitong si Mikee Morada, na kita ang engagement ring na suot ni Alex.

Hirit ni Luis, “‘Di ko masyado narinig ‘yung sinabi ni Mikee nu’ng lumuhod, tama ba sabi niya, ‘Maghulog ka sa paluwagan, ako kasi kukubra ngayong buwan.’”

Sa short clip naman ng engagement na naganap sa Hong Kong na ipinost ni Alex sa IG ay iba rin ang comment ni Luis.

“Baka nagtali lang ng sintas, tapos biglang ganyan reaction mo kaya na-pressure? ‘Yun lang naman akin,” hirit ni Luis sa IG.

Naaliw ang netizens dahil inaabangan daw nila ang magiging reaksyon ng bully na si Luis sa engagement na ‘yon ni Alex.

Actually, si Alex ang puwede na ngayong mang-asar kay Luis dahil naunahan niya itong maging engaged.

32 na si Alex kaya tama lang din na mag-asawa na ito. Actually, matagal nang kinakantiyawan ni Alex ang boyfie niyang si Mikee na mag-propose sa kanya kaya in-expect na raw niya na mangyayari ‘yon nang magpunta sila sa HK after Christmas.

Si Luis ay 38-anyos na, pero lalaki naman kasi ito kaya okey lang na hindi pa ito engaged. Ang nobya ni Luis na si Jessy Mendiola ay 27 pa lang.

Mukhang sa kasalan na rin ang bagsak nina Luis at Jessy, kaya hindi na kataka-taka kung maganap na rin ang engagement ng dalawa anytime soon.

Back to Alex, may mga curious nga pala kung kagaya ng kanyang Ate Toni Gonzaga nang ikasal kay Direk Paul Soriano ay ‘virgin bride’ din daw ba si Alex?

Kayo, guysh, ano sa tingin n’yo? Ha! Ha! Ha!

Pops sanay na walang ka-Valentine

Matagal-tagal na ring walang ka-Valentine si Pops Fernandez. Mga ilang taon na raw.

“Na-miss ko ba? Dati, nasa-sad ako ‘pag wala akong ka-Valentine, o hindi lang Valentine, ‘pag wala akong ka-Pasko, wala akong ka-New Year,” dayalog sa amin ni Pipay.

“Pero parang nasanay na ako. You know why? Totoo ‘yon, when you tell yourself… not that I don’t need anybody, but you have to be happy on your own.

“And I always am very grateful na ‘yun na nga, I have my 2 boys and I have my family. Hindi na ako nasa-sad, actually.

“Dati, ma-emote ako. ‘Yung tuwing magba-Valentine’s na wala akong ka-Valentine, ninenerbiyos na ako. Nagre-reserve na ako ng friends na, ‘Wala ka ring ka-Valentine, right? Uy, sama naman tayo!’ So, I have groups of single friends.

“Now, it’s not a big deal anymore for me. I celebate it with friends or sometimes I don’t, you know what I mean? So, okey lang,” nakangiting pakli ng original Concert Queen.

This coming Valentine’s ay may ka-Valentine daw siya for 7 nights at ‘yun ay ang ex-husband niyang si Martin Nievera. Wala raw itong choice dahil may pitong gabi silang V-Day shows na magkasama.

“Hindi ko naman sinasabing ayokong magka-Valentine. Sana in the near future. But then again, with or without, I think okey naman ako.”

Ano bang status niya ngayon? Is she dating?

“I’m not, eh. I wanna start dating again. I decided, I think I wanna start dating. Pero wala pa akong date, wala pang lumalapit. Ha! Ha! Ha!”

6 years ago na nu’ng huling magsama sa isang sa concert sina Pops at Martin. Sa PICC ‘yon, sa “Penthouse Reunion”.

Ang sumunod dito ay last year lang nang gawin nila ang “Twogether Again” na unang nagkaroon ng US tour nu’ng August. Nasundan ‘yon ng second leg ng tour nu’ng December, kaya magkakasama silang pamilya nu’ng Christmas sa Amerika.

This time ay dadalhin ng Concert King & Queen dito sa ‘Pinas ang “Twogether Again” na mapapanood sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21 sa The Theatre at Solaire.

Si Pops ang producer nito at si Martin ang direktor kaya very personal at very spontaneous ang mapapanood sa show.