Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utol tinigok sa bugbog

0 70

PATAY ang 41-anyos na lalaki matapos siyang bugbugin ng kapatid dahil lamang sa matagal nang alitan sa Barangay Agdeppa, Banggar, La Union noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Jose Hidalgo, magsasaka, at ang suspek ay nakakatandang kapatid nito na si Romeo Hidalgo, 50.

Ayon sa Banggar Police Station (BPS), nang magkita ang magkapatid na Hidalgo, bigla na lang umanong binugbog ng suspek ang nakakabatang kapatid.

Nang bumulagta at nawalan ng malay si Jose ay hahambalusin pa sana ito ng suspek ng hawak nitong kahoy ngunit napigilan ng kanyang mga anak.

Agad na dinala sa Tagudin District Hospital ang biktima ngunit siya ay binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest o atake sa puso.

Ayon sa pulisya, wala umanong balak na maghain pa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.