Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utos ni Digong sa pork import sampal kay Dar – SINAG

0 547

Tinuturing ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na sampal kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar nang bawasan ng Malacañang ang dami ng papasok na imported pork sa mas mababang taripa kumpara sa rekomendasyon ng kagawaran.

Inilabas ng Malacañang ang Executive Order No. 133 nitong Martes kung saan 254,210 na toneladang imported pork ang makapapasok sa bansa sa mas mababang taripa sa ilalim ng tinatawag na minimum access volume (MAV) ngayong taon.

Mas mababa ito kaysa sa inirekomenda ng DA na 404,210 na tonelada ngunit higit pa rin itong mas marami kaysa sa 54,210 tonelada nang nakalipas na maraming mga taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpasalamat ang SINAG sa Senado na siyang naglaban ng interes ng sektor ng agrikultura na trabaho dapat ng DA. Nanawagan din ang grupo sa mga mambabatas na maglaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng local hog industry.

Nanawagan din ang SINAG kay Dar na ibasura ang mga ibinigay nitong permit o ang tinatawag na sanitary phytosanitary import clearance sa mga importer sa ilalim ng naunang Executive Order No. 128 na nagbaba ng taripa sa imported pork.

Muli ring inusisa ng SINAG kay Dar kung sino-sino umano ang mga importer na binigyan ng permit at para sa gaano karaming aangkatin na baboy. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.