Abante Tonite Interactive

Utos ni Digong: Tambay hulihin, ‘pag pumalag ihulog sa Ilog Pasig

By
3,957

Para mabawasan ang krimen sa mga lansangan, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ala­gad ng batas na sitahin at pauwiin ang mga tambay na kakalat-kalat sa mga kalye.

Sa kanyang talum­pati sa panunumpa ng mga bagong promote na uniformed personnel sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na ang mga lansangan ay para lamang sa mga sumusunod sa batas.

Kapag aniya may nakitang mga tambay sa kalye ay sitahin ang mga ito at pagsabihang umuwi sa kanilang mga bahay.

Dapat aniyang ma­ging istrikto ang mga alagad ng batas dahil karamihan sa mga nasasangkot sa gulo ay mga tambay sa kanto na wala namang mahalagang ginagawa kundi mag-ubos ng oras sa labas.

Nagbiro pa ang Pa­ngulo na tatalian ang kamay at ulo ng mga magmamatigas na tambay saka ihuhulog sa Ilog Pasig.

“‘Yang kalsada, ‘yung highways we built it for the law abiding citizens. Ang mga kriminal, ang mga durugista they are not supposed to be there.

“So my directive is ‘pag makitang mag-is­tambay istambay kayo, umuwi kayo dahil ‘pag hindi kayo umuwi ay ihatid ko kayo doon sa opisina doon sa Pasig. Ako na ang bahala ilagay mo lang diyan, talian mo ang kamay pati ulo… ihulog mo diyan sa…You be strict, part of confronting people who do not know nothing and just idling around, they have potential trouble for public,” anang Pangulo.