Abante Tonite Interactive

Utos ni Digong vs tambay, para sa kaligtasan ng publiko — Roque

By
2,247

Walang masamang in­­­ten­siyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas na kautusan laban sa mga tambay sa lansa­ngan.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang umani ng puna at batikos ang di­rektiba ng Pangulo na sitahin ang mga kakalat-kalat na mga tambay sa kalye at hulihin kapag pu­malag at tumangging umuwi sa kanilang mga bahay.

Sinabi ni Roque na bawat Filipino ay may karapatang maging ligtas sa mga lansangan.

Abante Hiring – IT dep

Nais aniya ni Pangulong Duterte na magka­roon ng mahigpit na im­plementasyon ng mga ordinansa ng mga lokal na pamahalaan bilang bahagi ng layuning maging ligtas ang mga lansangan laban sa mga kriminal at masasamang loob.

“Every Filipino deserves to be safe in the streets.The President’s tambay remarks simply mean he wants a strict enforcement of city ordinances as part of making our streets safe from criminals and other unscrupulous elements,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na maraming mga tambay ang nananatili sa mga lansangan at inaabot ng hanggang madaling-araw kaya hindi maiwa­san kung minsan na pi­nagmumulan ng gulo.

Ayon kay Roque, nais lamang ni Pangulong Du­terteNna mahadlangan ang mga krimen kaya isi­nama ang mga tambay sa mga pinababantayan sa mga awtoridad.

Kung wala naman ani­­yang basehan para arestuhin ay hindi naman gagawin ng mga awtoridad dahil ang intensiyon lamang ay mahadlangan ang mga may masasamang intensiyon.

“It is more of crime prevention; hence, the President’s remarks are for the police to ask those who stay late at night in the streets to go home. Now, should they be arrested if they refuse? The President as a lawyer knows that if no crime has been committed, there is no basis for arrest. But just the same, he would rather that those loitering should go home so that those people with bad intentions are thwarted,” dagdag pa ni Roque.