Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Uwi probinsya inawat ng DOH

0 125

Hinikayat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga mamamayan na ipagpaliban ang kanilang biyahe sa mga probinsya ngayong holiday season.

Aniya, nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 kahit pa unti-unti nang pinaluluwag ang mga quarantine status sa bansa.

Pinaalala ni Duque sa publiko na limitahan ang kanilang mga selebrasyon upang maiwasan na mahawa ng COVID-19. Mas mainam aniya kung gawin na lamang sa bahay ang holiday celebration kasama ang pamilya.

SM food to go Banner Ad

Hinimok din nito ang publiko na limitahan ang pagdiriwang sa “immediate family members” na lamang.

“Huwag nang mag-imbita ng mga iba pang mga kamag-anak na galing kung saan-saan at hindi tayo nakakasiguro kung sila ba ay free or ligtas sa COVID, eh kung hindi ay baka makahawa,” ani Duque.

Pati sa pagsisimba sinabi ni Duque na mabuti pang sa online misa na lamang para mas ligtas. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.