Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Uy bida ng ICTSI Riviera golf

0 185

Pitong taon ang hinintay ni Daniella Uy upang mahagip unang korona sa Ladies Philippine Golf Tour sa pagdemolis kay Chihiro Ikeda ng limang stroke sa panaradong 74 sa ICTSI Riviera Ladies Championship sa Silang, Cavite.

Hindi naging hadlang ang kumpol na bogeys tapos ng birdie-birdie run mula sa third hole ang pag-podium ng dating Junior World champion dahil sa kabiguan ni Ikeda na kumasa sa harap nang mahangin at nakalilitong greens ng Langer.

Kaya sumakay si Uy na may 220 total sa trouble-free victory at sa wakas humanay sa elite group sa winners ng circuit na binabalangkas ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

“I’m super happy,” bulalas ni Uy tapos ng four pars pa-36-38 para tapusin ang pighati sa pro diadem na nagkakahalaga ng P116,250. “It was my first win in seven years and I’m looking forward for more (panalo).”

May 76-225 si Ikeda para sa P67,500., samantalang tumersera si armie Constantino sa 77-228 na may P60K. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.