Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Uy lider sa ICTSI Eagle Ridge

0 32

Nalagak sa tuktok si Daniella Uy sa nakakahilong pagtatapos na nagpasimula sa ICTSI Eagle Ridge Ladies Classic sa palaisipang Norman course, sa pinosteng one-under 71 para sa one-stroke lead kina Chihiro Ikeda, Princess Mary Superal at Sunshine Baraquiel sa Gen. Trias, Cavite Miyerkoles.

Kumasa ang former Junior World champion sa rollercoaster round sa birdie sa 17th para maka-two-under sa last two holes at nanatili sa tuktok kahit nag-bogey sa unang butas dahil nakapaghulagpos din ng mga tirada sina Ikeda at Superal sa mahirap na par-4 No. 1 na finishing hole.

SM food to go Banner Ad

Iyon ang nagpakontrol kay Uy para sa isa sa mapuwersa niyang simula sa circuit, na ang mataas na tinapos sa balik ng Ladies Philippine Golf Tour makaraang matagal na matengga dahil sa Covid-19 ay tersera sa dalawang Riviera bubble tournament sa nakaraang taon. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.