Abante Tonite Interactive

Uy tinangging backer ng La Salle

478

Kinontra ni businessman/sportsman Dennis Uy ang mga report na siya ang magiging bagong ­supporter ng De La Salle Green Archers sa ­kampanya nito sa University Athletic Association of the Philippines.

Ito’y tugon ni Uy matapos ­lumabas ang report sa Bilyonaryo na ­hahawakan ang Green Archers ­kasunod nang ­pagbitaw nang ­matagal na godfather nitong si ­dating Amb. Edurdo ‘Danding’ ­Cojuangco Jr. noong nakaraang taon.

“The rumors of yours truly taking over as the new patron of the De La Salle Green Archers basketball team are untrue,” ayon kay Uy, na kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“While I am certainly a proud alumnus of the De La Salle University and an avid fan and supporter of basketball, I have never been formally approached about leading the basketball program of my alma mater,” aniya pa.

Si Uy ay hindi na iba sa larangan ng sport, tagasuporta ng ilang sports sa Mindanao at siyang may ari ng Phoenix Fuel Masters sa Philippine Basketball Association.

Sa report ng Bilyonaryo, sinabi niyang handa siyang magbigay ng P10M para sa La Salle basketball team na misyong makabalik sa trono ng UAAP men’s caging sa pagsipa sa nagdodomina sa nakalipas na taong taon na Ateneo Blue Eagles. (Ray Mark Patriarca)