Abante Tonite Interactive

V-day baby: Batang momshie, napaanak sa tricycle

0 233

Sa araw ng mga puso, hindi na umabot pa sa ospital ang 19-an­yos na ginang matapos siyang mapaanak sa loob ng tricycle sa Natividad, Pangasinan kahapon ng umaga.

Nagluwal ng malusog na sanggol na lalaki si Elgie Lumiran, ng nasabing bayan, na tinulungan ng dalawang Natividad Police Station (NPS) na sina PMSg. Chieng Salguet at PCpl. Joanna Badua, na isang registered nurse.

Ayon sa NPS, humi­ngi na ng tulong sa pulis ang asawa ni Lumiran dahil sumasakit na ang tiyan nito at tila manga­nganak na kaya agad rumesponde ang dalawang policewoman.

Malusog naman ang sanggol na lalaki na ipinanganak ni Lumiran ngunit dinala pa rin ang mag-ina sa ospital para matiyak na maayos ang kanilang kondisyon.

Pinag-iisipan pa ng mag-asawang Lumiran kung ano ang ipapangalan sa sanggol na ipina­nganak sa mismong Araw ng mga Puso. ­(Allan Bergonia)