Abante Tonite Interactive

V-League semis sumisikip

109

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
4:00 p.m. – UP vs. BaliPure
6:00 p.m. – Pocari vs. Customs

Tatlong slots pa sa semifinals ang pinaglalabanan sa 13th V-League Reinforced Conference matapos sakmalin ng University of Sto. Tomas Tigresses ang isang tiket.

Kumikipot ang daa­nan at krusyal na ang bawat mga laro kaya paniguradong bakbakan sa pagitan ng Customs at Pocari Sweat sa main game mamaya sa PhilSports Arena sa Pasig.

Mag-isa sa No. 2 ang Transformers (3-1) sa likod ng Tigresses (5-1), kasalo ng Lady Warriors ang BaliPure sa No. 3 (2-1).

Isasagupa ng Transformers si volleyball superstar Alyssa Valdez, pamato ng Lady Warriors si dating La Salle star Michelle Gumabao.

May tigalawang malulupit na reinforcements din ang Customs at Pocari Sweat.

Makasisiguro ng playoff sa Final Four ang Customs sakaling mabingwit ang panalo. Galing sa back-to-back wins ang Pocari.

Samantala, bawal ng kumurap ang UP Lady Maroons (2-3) dahil maliligwak na sila sa season-ending conference na inisponsoran ng Shakey’s kapag natalo sa Water Defenders sa first game.