Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VACC: Bitay ibalik!

0 58

IBALIK sa lalong madaling panahon ang parusang kamatayan!

Iyan ang panawagan ni Volunteers Against Crime and Corruption President Boy Evangelista kaugnay sa nangyayaring sunod-sunod na krimen bago at pagkatapos ng bagong taon.

Sa panayam sa Balitaan at Kumustahan ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Evangelista na gaya ng nangyari sa Paniqui ,Tarlac kung saan walang awang binaril ng isang pulis ang mag-ina; ang pamamaril o kaso ng mistaken identity sa Pampanga, at ang pagkamatay ng flight stewardess sa Makati na bagaman inaalam pa kung talagang murder, ay nangangahulugan na hindi na natatakot gumawa ng krimen ang mga salarin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nagtataka at nalulungkot tayo na may ganitong continuous na mga insidente,” sabi ni Evangelista kaya

kung may death penalty aniya sa Pilipinas, mag-iisip ng hindi lang dalawang beses ang mag criminal o masasamang loob kundi higit 50 beses pa umano sa takot na mamatay.

“Walang nadedeter, nandun naman ang police anti criminality initiatives so dapat may kinatatakutan sila – ang death penalty,” sabi nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.