Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VACC chairman inalala pagpatay sa anak

0 123

Inamin ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Arsenio ‘Boy’ Evangelista na minsan niyang naisip na pumatay ng tao nang dahil sa galit sa nangyaring pagpatay sa kanyang anak na si Venzon na sinabi niyang kagagawan ng mga “demonyo.”

“Aaminin ko Jon, I was willing to kill and die for my son,” sabi ni Evangelista, nang balikan ang pinagdaanan sa pagkamatay ng kanyang anak sa programang ‘Kumustahan at Balitaan’ ni Jon Ibanez sa Politiko Live.

Sinabi pa ni Boy Evangelista na nahirapan silang tanggapin ang brutal na pagkamatay ni Venzon na bukod sa binaril sa ulo ay sinunog pa ang katawan. Aniya, mayroon silang dalawang opsyon noon, ang ipasa-Diyos na lang ang lahat o ang isa ay lumaban kahit malagay sa alanganin ang kanilang buhay.

Kamakailan ay lumabas ang ulat sa diumano’y pagkasawi ni Raymond Dominguez, ang convicted leader ng notorious car theft group dahil sa COVID-19 habang nasa New Bilibid Prison. Pero tinanggi ito ng mga awtoridad at sinabing nagpositibo lang ito sa coronavirus.

Noong April 2012, hinatulan ni Bulacan Judge Wilfredo Nieves si Dominguez, ng guilty sa carjacking. Si Dominguez din ang suspek sa carjack-murder ng car dealer na si Venson Evangelista noong 2011. Pinatay naman si Judge Nieves sa ambush sa Malolos, Bulacan noong November 2015. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.