Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vaccination certificate pinamudmod sa Caloocan

0 78

Sinimulan na kahapon ng Caloocan City Local Government Unit (LGU) ang pamumudmod ng fully-vaxxed certifica­tion sa mga kompanyang kumpleto na ang COVID-19 vaccine sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, ang Business Permit and Licensing Of­fice (BPLO) ang siyang nangangasiwa sa pamamahagi ng certificate sa mga commercial establishment sa una at ikalawang distrito ng lungsod na 100% nang bakunado ang kanilang mga trabahador.

Layon aniya ng nasabing inisyatibo na makatulong upang mahikayat ang iba pang gusali sa lungsod na gawing bakunado na ang kanilang kawani.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama ang mga fast food chain at mga grocery store sa mga nabigyan ng certificate na pinapaskil sa harap ng entrance bilang patunay na bakunado na at protektado sa COVID-19 ang mga manggagawa roon.

Maliban sa proteksiyon sa virus, ina­asahang mapatataas ang kumpiyansa ng publiko sa mga establisyimentong may fully-vaxxed certificate. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.