Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vaccine czar tinukuran si Dominguez sa kickback isyu

0 216

Siniguro ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na malabong magkaroon ng kickback sa pondong inilaan ng gobyerno para makabili ng bakuna kontra COVID-19.

Tugon ito ni Galvez sa pangamba ng ilang senador na baka isang dahilan ang kickback kung bakit naaantala ang pagbili ng bakuna para sa COVID.

Sa ginanap na online briefing nitong Sabado, sinabi ni Galvez na hindi puwedeng magkaroon ng kickback sa pondong gagamiting pambili ng bakuna na galing pa anya sa Asian Development Bank (ADB) at sa World Bank (WB).

Sabi ni Galvez, walang miyembro ng gabinete o mga opisyal ng gobyerno na may “access” sa pondo maliban kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez.

Kumpiyansa umano siya sa integridad ni Dominguez na kilala niyang maayos magtrabaho.

Bukod pa aniya sa nakataya rito ang integridad nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.