Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Vaccine Passport’ itinutulak ni Cayetano

0 91

Isinulong ni Taguig-Pateros Alan Peter Cayetano ang pagkakaroon ng “vaccine passport” para sa mga Pilipino matapos ilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang COVID-19 vaccination road map sa kanilang panayam sa mga miyembro ng media.

Ayon kay Cayetano, mahalaga ang paglulunsad ng isang credible certification system sa pamamagitan ng “vaccine passport” na makakapagbigay daan para mas malayang makapaglakbay ang mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa at maging sa ibang parte ng mundo.

“Hindi lang ito isang pangkalusugang inisyatibo kundi susi para maibalik ang kumpiyansa ng taumbayan na siguradong makakapagpalakas ng ekonomiya,” ani Cayetano pagkatapos magsagawa ng media conference ng IATF noong Enero 6, 2021.

SM food to go Banner Ad

Sinimulan na ang pagkakaroon ng vaccine passports o certificates sa ibang bansa kabilang ang Bahrain kung saan maraming Pilipino ang nag-pakita ng kanilang mga larawan sa social media.

Kabilang dito sina Rosalie Wood Nochefranca, Arnel Estrella at Alfonso Ver sa mga nagpakita ng mga vaccine certificates sa kanilang mga Facebook posts mula December 28, 2020 hanggang January 4, 2021. Hinimok ni Ver ang mga Pinoy sa Bahrain na magpabakuna sa tulong ng Bahrain Ministry of Health.

Ayon sa website ng Bahrain Ministry of Health, ang kanilang ahensya ay nagbibigay ng vaccination certificate sa mga indibidwal pagkatapos nilang makumpleto ang vaccination schedule.

Sa kanilang media briefing, pinaliwanag ng mga opisyal ng IATF na sila ay kasalukuyang nakikipagnegosasyon sa iba’t ibang pharmaceutical companies na nag-develop ng mga COVID-19 vaccines para makapagbigay ng 148 million doses na sasapat para sa mga Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.