Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vaccine sa mga bata wala pang pondo

0 268

Kailangang iprayoridad ng pamahalaan ang paglalaan ng perang pambili ng COVID-19 para sa mga bata sa susunod na taon, ayon kay Senador Sonny Angara.

Sinabi ito ng senador dahil wala pa aniyang alokasyon sa ilalim ng 2021 national budget na pambili ng bakuna para sa mga bata.

“`Yong P82.5B sa Bayanihan 2 ang intensiyon ay para sa mga adult population ng ating bansa pero kung may naiwan doon puwedeng umpisahan kung sakali,” paliwanag ni Angara.

Puwede rin naman aniyang maglagay ng alokasyon sa ilalim ng Bayanihan 3 subalit hindi pa rin malinaw kung may pondo para dito.

Dagdag pa ng senador, dapat ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng pamahalaan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.