Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vaccine seller sa black market lagot kay Duterte

0 288

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagbebenta ng bakuna kontra COVID-19 sa black market na may kalalagyan kapag natiyempuhan ito ng mga awtoridad.

Kasunod ng ulat na may mga nakapuslit umanong COVID vaccine sa bansa at ibinebenta sa black market sa napakataas na halaga.

“’Yung nagpapabili ng bakuna, nako huwag ka sanang mahuli. ‘Pag nahuli ka, ipapatawag kita sa Malacañang,” anang Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Matatandaang inihayag ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General at Health Undersecretary Eric Domingo na may mga natatanggap silang report ng nagbebenta umano ng puslit na bakuna sa black market subalit kapag nag-counter check ay wala silang makuha.

May mga nagbebenta na rin umano sa online subalit kapag pinuntahan ang nakalagay na address ay wala naman umanong ganoong bentahan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.