Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vaccine ‘wag singilin ng buwis – Cong Co

0 59

Umapela si Barangay Health Workers (BHW) Partylist Rep. Angelica Natasha Co sa pamahalaan na gawing tax-free ang bakuna laban sa COVID-19.

Sa panayam ng sa Balitaan at Kumustahan ni Jon Ibanez sa Politiko Live kahapon ay sinabi ni Co na dapat ay wala nang babayarang buwis ang grupo, korporasyon na bibili ng bakuna, lalo na kung gagamitin sa sarili o sa mga tauhan o bilang distribution sa mga nangangailangan lalo na ang frontliners at mahihirap.

SM food to go Banner Ad

“Hopefully ito ay tax free. Marami ang nangangailangan ng bakuna dito. Ang mga frontliners, ang mga barangay health workers. Marami po ang nangangailangan kayat ang dagdag na bayad sa bakuna nang dahil sa buwis at sana lalo na kung maramihan ay mailalaan na lang sa pambili pa sa mas madaming bakuna,” sinabi nito.

Kasama na din umano ang barangay health worker dahil sila naman nangunguna sa mga contact tracing. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.